Guyst, napansin ko lang to ha? Sometimes, good employees quit even if they like their jobs so much. Why? Dahil Pakshet
™ ang mga tao. Makakaya mo ang work-related stress eh. Matitiyaga mo ang third world commute. Matitiis mo nga ang indignities of Christmas party presentations. Pero dadagdagan mo ng Pakshet
™ factor mula sa kaopisina mong kampon ng kadiliman ang ugali? This is an alsa-balutan type of scenario. Di bale nang mag-update muli ng joketime na resume, if it means not to deal with any unnecessary headache in human form.
On the flip side, tae-taeng employees stay even if they hate their jobs so much. Same thing. It’s the people. We build connections and relationships that sometimes replace the ones we built outside the office. Meron nga nagkakamabutihan, nagkakapalitan ng body fluids at nauuwi sa binyagan ng first baby. Bilang officemates we spend over ¾ of our waking hours in the office so minsan kahit ayaw mo, your office peeps will be all up in your face. And it’s a good thing. We build a stronger workforce if we have good working relationships. We end up staying because of the people. Sabehhh.
You know what builds relationships? Mutual blackmail, or in other words, trust, the building blocks of
❝Friendship
❞. And we gain trust by giving it, which translates to I TRUST NA HINDI MO ISISIWALAT ANG MGA NALALAMAN MONG LIHIM KO DAHIL IBOBROADCAST KO RIN ANG BAHO MO. Hawag nyo sa leeg ang isa’t-sa. It’s called
❝Friendship
❞, look it up.
A good example is my favorite officemate Tito Donpi. Maraming lihim si Tito Donpi na nalalaman ko. For example, akala nila sa office he’s this soft-spoken goody-two-shoes di-makabasag-pinggan type of situation, pero ako lang ang nakakaalam na given the right topic, super palamura si Tito Donpi just like the rest of us sinners. And I have receipts ready to present as evidence. Pwede akong tumawag sa church nila at ipatiwalag siya sa alarming levels ng pagmumura na namutawi sa kanya. But of course I won’t do that. We’re
❝Friends
❞!
You see, this is how Tito Donpi talks to me because he trusts me na hindi ko sasabihin dun sa mga taong minura nya na minura nya sila. So kapag nakakasabay namin sila sa elevator and Tito Donpi is all sweet like “Uy hi kumusta ka na? Looking good” I just throw up in my mouth a little. Kasi nga I keep his trust.
Minsan sa tagal ng inyong pagsasama at sa lalim ng
❝Friendship
❞ nyo, makakabuo na kayo ng sarili nyong dialect. Kami nga sa office we sometimes speak in Da Vinci Code levels of secrecy. Kung maririnig nyo lang ang kwentuhan namin...
Nabalitaan mo na yung bagong pelikula?
Sino bida?
Si Shrek (Sample lang, not their actual codename. Shet may substitute codename para sa codename???)
Anong title?
Nagalit Ang Buwan Sa Haba ng Gabi
Kelan yan?
Noong summer outing. Kumita sa takilya.
Wow congrats sa cast and crew. Well-deserved. Sana may part 2.
Ganyan ang usapan kasi minsan kasabay lang namin sa elevator yung persons concerned.
Bashmates ang tawag namin sa mga taong kausap sa mga cryptic conversations, see above. Sila yung yayayain mong kumuha ng tubig sa pantry pero wala kayong dalang baso, kasi may urgent kayong topic na sa water dispenser nyo lang pwedeng pagusapan. Shet kung nakakapagsalita lang ang water dispenser, ang natatanging star witness sa lahat ng uri ng pangba-bash na pinakawalan nyo at 8 in the morning EST.
Sila bashmates ang kasama mo sa isang lihim na Facebook group chat, na may pagsi-screenshots ng FB posts ng ibang officemates na siyang topic nyo hanggang weekend. Sa lahat ng bashmates ko, si Tito Donpi ang pinaka-active basher. Si Tito Donpi kasi, maraming
❝Friends
❞ sa office. We all know the equation Maraming Kaibigan = Maraming Masasagap na Impormasyon. It’s good to have Tito Donpi bilang bashmate. Marami syang nalalaman, malapit na syang itumba.
Unclear pa rin ba sa iyo kung sino ang bashmate mo? Sila yung mga taong tatawagin mo kapag may pa-press conference ka tungkol sa mga nagbabagang balita. Maghahanap kayo ng malayong fast food tapos bibitinin mo yung kwento kasi dapat kompleto na kayo bago ka pa magkwento dahil ayaw mo ng paulit-ulit. Look for catchphrases like “Eto na nga” signalling na magsisimula ka na sa isang matinding round of bashing. Syempre laging may disclaimer pa like “Eto atin-atin lang ha. Pag ito lumabas, sisirain kita sa office.” Lakas makachismoso’t chismosa sa mahjongan pero aminin na natin, kapag may breaking news ang isa sa mga bashmates natin, napapa-team breakfast tayo kahit gusto nating magtipid. Dahil mas mahalaga ang impormasyon. Iba ang may alam.
Minsan yung kwentuhan eh wala lang naman, hindi naman life-changing. Pero gusto lang naman natin ng excitement. Anything to be excited about during breaks. As long as it doesn’t hurt anyone and it doesn’t take time away from performing your tasks. Hindi ko dinagdag ang paragraph na ito dahil nagbabasa yung isang boss ko OK? Shoutout Sir!
Minsan kabisado mo na ang sasabihin ng officemate mo you can almost finish their sentences. Halimbawa...
Si Tito Donpi, nag-evolve ang mga greetings and goodbyes. Yung standard na “Hi” nya naging “Pumayat ka, may iniinom ka no?” Ganyan siya sa amin kapag may nadetect syang ilang guhit na weight loss, triggered sya. Minsan pagdating mo pa lang ganyan na ang bungad nya sayo. Ang standard na "Ingat" naman, nadadagdagan ng “Baka ma-claim ang insurance” as in “Dahan-dahan ka sa pagtawid sa kalsada, baka ma-claim ang insurance.”
Uso ang slang sa office, mga salitang kami-kami lang ang nag-imbento at nagbigay ng context/meaning at kami-kami lang rin ang nakakaintindi, like:
AtitoodYung officemate na ma-attitude kahit hindi naman bagay/nararapat. GUESS WHAT: Hindi magandang pag-uugali ang pagiging mayabang, masyadong bilib sa sarili, o nagbubuhat ng sariling bangko. The moment magpamalas ka ng asim, maeekis ka. Huwag kang ganun. Huwag kang atitood. Dapat good vibes lang lagi.
Quota ProblemsSa lahat ng problema sa office, ito ang pinakapaborito ko. Ito yung problemang nae-experience lang ng mga taong nameet na ang annual goal. Whatever number it is, whatever metrics, whatever performance indicator. The moment maachieve mo ito, saka maglalabasan ang Quota problems mo like:
Love life
Sex life (lack of)
Existential crisis
Pimples
Taxes
And many more dahil may panahon ka.
Kapag kasi hindi ka pa naka-quota, wala kang enerhiya sa mga bagay na hindi naman makakatulong sa pag-achieve mo ng goals mo. Wala ka ngang pakialam kung dugyot na ang itusra mo dahil sa third world commute, makarating lang sa office. Halos mapabayaan mo na ang iyong personal hygiene. Para kang hindi papahuli ng buhay. Gusto mo lahat ng kapangyarihan mo, focused sa quota. What is sex life? What is diet? What is health?
Eh isang araw bigla kang naka-100% quota. Fuuuck this shiiiiiitttt ngayon biglang I have huge pores. My hairline looks weird. I have really bad breath in the morning. Yan ang quota problems.
One specific quota problem is body weight. Lalo na kapag panahon ng Annual Physical Exam tapos nilalagay talaga sa results ang mga insensitve words tulad ng OBESE. Minsan kailangan na talaga itong i-address, which brings me to...
Two WeeksIto ang promise ng pagpayat na binibitiwan ni Tito Donpi kapag nagagawi ang usapan sa kanyang weight management concerns. Usually may diin ang pagkakabigkas nya nito, mala-death threat.
Me: Don, boring no? Tara mag-diet tayo.
Tito Donpi: Baket?
Me: Feeling ko ang taba ko na eh. Ikaw ba?
Tito Donpi: Bastos ka. Two weeks. Give me two weeks.
Sarado ang TindahanThis is the phenomenon kapag may mga factors na nakakaapekto sa iyong productivity at napagdesisyunan mong pumasok para lang magpakita ng pisikal na anyo, pero wala ka naman talaga sa katawang-tao mo, dahil ang isipan at damdamin mo ay naiwan sa kawalan. Syempre hindi ito kaaya-aya sa kumpanyang nagpapasahod sa iyo, pero minsan, kailangan natin intindihin at bigyan ang konting pag-unawa ang mga empleyado. May pinagdadaanan ka bang problema? Sarado ang tindahan mo ngayon? Sige pero mamaya hataw ka na uli ha? Again, TRUST. Tiwala lang, alam mo namang maayos na employee talaga sya.
Pero what if isang taon nang sarado ang tindahan nya? Baka naman kasi...
Subsob sa TrabahoBaka naman subsob sa trabaho si officemate? Siya yung literal na nakasubsob sa desk kasi kinukumpleto nya ang prescribed number na 8 hours of sleep for good health.
Pinakapaborito kong kwento ng boss namin yung isang employee noon (na wala na ngayon), ayon kay boss: “Aba, si bakla, tulog, ang naiwan pang naka-open sa laptop nya, Facebook. Facebook?!?! Facebook na lang nakatulugan mo pa?” Ayun na-
Timbog® si Ate. Which brings me to...
Timbog®Eto yung moments na mag ginawa kang alam mong hindi mo dapat gawin tapos may nakahuli sayo. Ayokong magbigay ng examples baka bumalik sakin LOL. Hindi maiiwasang may mga pasaway sa office. Minsan ako rin pasaway. Sapagkat tayo ay tao lamang at nagkakamali. Ang mahalaga ay ang pagbangon sa pagkakamali upang hindi na ma-
Timbog® pang muli. Kaya para hindi mangyari ito, dapat:
Huwag Malikot, Baka Makabasag ng PloreraEto, galing sa boss namin. It’s her creative way of saying, Wala ako sa office bukas, so magbehave kayo. Hindi nya na ididikdik sa amin na huwag kaming magsarado ng tindahan. Kapag sinabi nya yan, alam na namin. Ayaw naming makabasag ng plorera. Ako quiet lang. At bukas lagi ang tindahan ko. Katabi ko ang TL ko eh LOL.
May PinapatunayanKapag payday, alam naman nating lahat na sabay-sabay kaming sumweldo, so hindi statement ang magsplurge. Hindi ito nakaka-upper echelon. Ang tunay na sukatan ng yaman, yung week before payday. Doon ka mag-buffet. Doon ka magpa-birthday. “May pinapatunayan” is what it’s called.
Masama pakiramdam mo? Sorry, pumasok ka pa rin, kung ayaw mong machismis na wala ka lang pamasahe kaya ka umabsent. Yung isang officemate ko nga, kapag pecha de peligro more more Instagram post ng kung saan-saan sya kumain dahil ayaw nyang mapagbintangang nag-third world meals siya like WHAT LEVEL OF EXTRA PETTINESS IS THIS. Yung isa naman, ia-announce nya, “Glenn, pasama naman magwiwithdraw ako sa ATM” in a loud voice para alam ng lahat na may wiwithdrawhin pa sya. It’s not the amount, it’s about sending a message. Patunayan mong hindi ka pa gipit because of the choices you made.
This is the same officemate na dahil may pinapatunayan siya, which is Noong gumuhit ng poverty line ay nakaabot siya sa ABOVE, hinding hindi sya magda-diet kapag pecha de peligro dahil ayaw ma-accuse na nagtitipid (one time tinawag ko siyang “breadwinner”, na-offend sya, WHATTHEFUCKRIGHT?).
Tito Donpi made a mistake nung minsang nagbaon sya ng nilagang okra. For health reasons daw ito pero najudge sya ng hurtful stuff such as “Yes, PDP (pecha de peligro)?” or “Saang kapitbahay mo pinitas yan?” and “Di ka nagsasabi, sige pautangin na kita, Jollibee tayo?” which is why hindi nya na ito inulit pa kahit paborito sana nya ang okra. Because judgmental eyes are everywhere. Kung okra levels ang binaon mo, mapagbibintangan kang #hapit #gipit #kapitsapatalim
Same rule applies sa bayaran ng utang. You’re not impressing anybody sa pagbayad ng inorder mong ham sa araw ng payday. A true show of power is magbayad 2 days before sweldo. Gawain ito ni Tito Donpi and he makes sure na ALAM NG LAHAT NA NAGBABAYAD SYA by announcing it through immortal lines like “HERE’S MY FULL PAYMENT, PAKIBILANG BAKA SOBRA” or “KEEP THE CHANGE” kahit wala syang sukli and my personal favorite “BAYARAN KO NA, BAKA ICHISMIS MO PA AKO.” Classic.
Klaruhin ko lang, hindi kasalanan ang sumawsaw below poverty line, ang kasalanan ay yung spending money like a boss sa luho at bisyo tapos masasadlak ka na sa 39ers situations and worse, uutang na sa fellow member ng PDP. Ang tunay na lower echelon ay yung hindi marunong alagaan ang sarili.
Kamay sa DibdibFinally uwian na. Eto yung nakaabang kami sa pagpatak ng ika-59 segundo ng ika-59 minuto ng pag-logout. The tension is real at the moment na mag-00 ang biometrics clock ay mistulang may stampede.
Test of ❝Friendship❞Hindi maiiwan magkaroon ng mga pagsubok na maaring makapagparupok o makapagpatibay ng pagkakaibigan. Si Tito Donpi madalas ang sumusubok nito. Nanggigigil ako minsan sa galit. Mabait sya pero minsan handang-handa syang mag-unfriend. May atitood din eh. Ang hindi ko makalimutang ay nung nawala yung isang singsing nya. Maraming bling-bling si Tito Donpi, pito ata ang singsing nya at sabay-sabay nya suotin so minsan hindi na nya ma-keep track kung nasaang daliri sila. Aba nung may isang nawala, ako ang suspect?
Actually mapapatawad ko pa yan eh. Ang talagang muntikang sumira sa pagkakaibigan namin eh nung nawala yung Mercury Drugstore Card nya at isa ako sa mga pinagbintangan. Tangina diba.
❝Friendship
❞ goes a long way, lalo na sa office. Who else will you trust kung hindi ang mga kasama mo araw-araw? How will you perform your job kung papasok ka pa lang eh nabibwisit ka na in anticipation of your Pakshet
™ officemates na sisira sa araw mo? Sabi nila Love your job, which also means love your workmates. Coz if you don’t, maluwag ang pinto, you can go. Walang pipigil sa iyo, sasabihan ka lang ng “Ingat, baka maclaim ang insurance!”
Next June, I’ll be celebrating my 10th anniversary sa company. #BestPlaceToWork